Walang number coding sa Chinese New Year – MMDA

Sharing is caring!

Hindi magpapatupad ng number coding scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa darating na Chinese New Year sa Biyernes.

Sa abiso ng MMDA saTwitter, pansamantalang tatanggalin ang number coding scheme sa Pebrero 16 sa buong Metro Manila, maliban sa Las Piñas, bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.

“The Number Coding Scheme is lifted on February 16, 2018 (Friday) in all areas in Metro Manila (EXCEPT Las Piñas) in celebration of the Chinese New Year.”

Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga pribado at pampublikong sasakyan na may plate numbers na nagtatapos ng 9 at 0 ay hindi maaaring bumiyahe ng alas-siyete ng umaga hanggang alas-otso ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?