46
ABANTE federalism change Rolando Andaya Jr.
Jul 29, 2018 @ 16:00
By

Walang ‘no el’ kay Gloria – Andaya

Tiniyak ni House Deputy Speaker Rolando Andaya na hindi isusulong ng Kamara ang “no el” o “No elections” sa Mayo 2019.

Ayon kay Andaya, direktiba ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na tiyakin na mayroon pa ring eleksyon kahit na isusulong nila ang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Wala rin umano silang isusulong na term extension o pagpapalawig ng tungkulin ng mga nakaupo ngayon sa Kamara.

Una nang pinagsuspetsahan ng ilang senador na puntirya ni Arroyo na maging prime minister kaya nito inagaw ang pamumuno ng Kamara.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na si Arroyo ang “logical”na maging prime minister kapag naamiyendahan ang Konstitusyon at naisalin ang gobyerno tungong parliamentaryo at federal system.

Sa isang panayam, sinabi ni Arroyo na black propaganda lamang ang nagsasabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?