77

Dec 12, 2017 @ 15:01
By

Walang ‘ninja cops’ sa anti-illegal drugs unit ng PNP – Bato

Tiniyak ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na wala nang mga ninjo cops o pulis na sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang mapapasama sa Anti- illegal drugs unit.

Ito’y kasunod ng ikatlong pagkakataong naibalik sa kanila ang pagsasagawa ng war on drugs matapos itong ipag-utos ng Pangulo Rodrigo Duterte kamakailan.

Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon ay kumukuha siya ng impormasyon sa mga field commanders upang masigurong magiging malinis sa katiwalian ang mga anti-illegal drugs operation at mas mapaganda pa ang kampanya.

“Maniguro kami na hindi masingitan yung aming operation sa mga sindikato siguruhin nati and were getting inputs for field commanders kung ano gusto nila idagdag para somehow ma-improve ang ating kampanya” sinabi ni Dela Rosa.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na aniya nila ang itatawag sa third version ng war on drugs.

Sa kasalulukuyan habang wala pang napagde-desisyunan kaugnay dito ay mananatiling double barrel reloaded at Oplan Tokhang ang tawag sa third version ng anti illegal drugs campaign ng PNP. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?