82

May 1, 2020 @ 12:05
By

Walang natanggap na ayuda: Lolo sumangguni sa barangay, na-stroke

Yumao matapos ma-stroke ang isang lolo sa Marilao, Bulacan, matapos pumunta sa barangay hall para malaman kung bakit wala pa siyang natatanggap na tulong-pinansiyal.

Nakilala ang biktima na si Sonny Candelara, 62-anyos na residente ng Barangay Lias.

Ayon sa anak nitong si Leopoldo Rivera, sa ulat ng ABS-CBN News, inabisuhan sila na house-to-house ang pagbibigay ng papel para sa ayuda ngunit wala aniya silang natanggap, kaya pumunta na si Candelara sa barangay hall para hanapin ang pangalan nito sa listahan.

Ngunit sumama ang pakiramdam ng biktima.

Ayon sa barangay kagawad na si Vandolf Mateo, sinabi ng senior citizen na hindi niya na magalaw ang kaliwa niya at “nadale yata” ito. Tumaas din umano ang blood pressure ng lolo.

Sinugod sa ospital si Candelara pero sumakabilang-buhay na ito.

Samantala, nanindigan ang pamunuan ng Barangay Lias na hindi nila pinapila ang senior citizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?