77

Oct 30, 2017 @ 14:26

Wala nang pasok sa paaralan, tanggapan ng gobyerno sa Maynila

Kanselado na ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila ngayong araw, Oktubre 30, 2017.

Batay sa mensaheng ipinadala ni Bambi Purisima, Media Information Bureau officer ng pamahalaang lokal ng Maynila, sinabi ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na ito ay para bigyang-daan ang paggunita sa araw ng Undas.

Gayunman, hindi kabilang sa suspensiyon ang pasok ng mga nagtatrabaho sa public at health services tulad ng Disaster, Department of Public Services, Engineering, MTPB at Health Department.

Samantala, desisyon na aniya ng mga private companies kung isususpinde o hindi ang pasok ng kanilang mga empleyado. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?