29

Jan 12, 2022 @ 13:45
By

Walang nabili! Lea Salonga iniyakan BTS merch

Isa talagang solid ARMY si Lea Salonga dahil lubos siyang nalungkot nang maubusan ng bagong labas na merchandise ng Korean group na BTS.

Inilabas na lamang ng singer sa Twitter ang pagkadismaya, sa biglang pagka-sold out ng mga merch nang wala pang isang minuto.

“Sigh… I didn’t make it. The bloodbath was real, everything sold out in less than 1 minute!” kwento ni Lea.

“I’ve learned my lesson and will limit my merch purchases to items that have been in the shop for a while. Ugh, I’m still super irritated right now. What was the point of bringing the price point down if only for bots to allegedly auto-buy and make the items inaccessible to fans?” dagdag pa ng singer.

Kaya naman ‘di na rin niya naitago ang pagkalungkot sa nangyari.

“So excuse me, I’m just going to cry in a corner to get over this heartbreak,” saad pa ni Lea.

Sa mga comment section, bumuhos naman ang pagdamay sa kanya ng kanyang mga fan na nararamdaman ang feeling ng isang ARMY na naubusan ng BTS merch.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?