99

May 12, 2020 @ 10:04
By

Walang mask! Kuya Kim, Gretchen sinita ni Korina

May agad na napansin si Korina Sanchez-Roxas sa larawan ng mga kapwa niya journalist na sina Kim Atienza at Gretchen Fullido.

Hindi sila nakasuot ng face mask.

Sa Instagram kahapon, inanusiyo ni Kim na araw-araw, babasahin niya at ni Gretchen ang mga komento ng madla sa TV Patrol.

Sey ni Korina, “Wala talaga kayo mask?”

Hindi pa tumutugon dito ang dalawa.

Nagpatuloy ang pag-ere ng TV Patrol sa online at cable sa buong daigdig, matapos mag-tigil operasyon ang ABS-CBN–na siyang nagpapalabas sa TV Patrol–dahil sa closure order ng National Telecommunications Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?