63

Jan 25, 2020 @ 15:06
By

Walang malas sa Year of the Metal Rat

Ngayong January 25, 2020 ang pagsisimula ng lunar new year na Year of the Metal Rat.

Ang Rat ang isa sa apat na Chinese zodiac animals na “most luck in relationships” kaya magiging mas harmonious at malayo sa malas ang Year of the Metal Rat, ayon sa prediksyon ni Hong Kong’s feng shui master Peter So sa Macau Daily Times report.

Maliban sa “most luck in relationships”, ang Rat din ang unang sign sa Chinese zodiac, kaya simula uli ng bagong 12-year cycle.

Bunsod nito, ang lunar year ay maisasalarawan na new beginnings at renewals.

Magiging taon ito ng strength, prosperity at luck sa halos lahat ng Chinese zodiac.

Lahat ay magiging determinado sa kanilang goals at aspirations.

Magandang taon din daw ito para magsimula ng mga proyekto o i-improve ang mayroon na.

Malaki rin ang tsansa na magtagumpay ang sinumang nagpaplano na mag-invest o magsimula ng negosyo.

Ang main element na metal ay kaakibat din umano ng success sa bagong projects.

Sa kultura ng Chinese, ang Rat ay kinokonsiderang isang protektor at tagahatid ng kasaganaan o prosperity kaya ang lunar year ng Metal Rat ay magdadala ng luck and balance sa kabuuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?