15

Jul 20, 2021 @ 16:06
By

Walang makatibag! Abante numero unong all-Filipino news website

Hindi lang sa mundo ng print media namamayagpag ang Abante at Abante Tonite, dahil maging sa online world ay isa rin ang pahayagan sa pinagkakatiwalaan ng masa.

Sa ranking ng website analytics tool na Alexa, Abante ang nangungunang all-Filipino news website hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.

Nasa pang-86 puwesto sa buong Pilipinas ang Abante, Abante Tonite at breaking news site na Abante TNT, bukod pa rito’y umaabot din ang mga nagbabagang balita ng naturang media company sa USA at Canada, kung saan 8.5% ng mga reader sa tatlong site ay nagmula sa dalawang bansa.

Pasok din ang Abante sa Top 5 media entity sa Pilipinas ayon sa Alexa, kasunod ng mga respetadong local news company tulad ng Inquirer (4th), ABS-CBN (5th) at GMA (8th).

Naungusan din ng Abante ang Philippine Star, kung saan kasama rin ang tabloid na Pilipino Star Ngayon, na pumwesto sa pang-89.

Patunay ito ng tuloy-tuloy na pagtitiwala ng mga Pinoy sa Abante, Abante Tonite at Abante TNT.

Noong Hunyo ay napasama rin ang Abante sa most trusted Philippine media base sa pag-aaral ng Reuters Institute for the Study of Journalism (RISJ).

Sa naturang survey, lumabas na nangunguna ang Abante sa tiwala ng mga Pinoy sa mga tabloid brand, nakakuha ng 47% trust score.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?