144

May 18, 2020 @ 10:03
By

Walang maipalit! Gamboa ‘di bibitawan si Sinas

“Napakahirap palitan” umano si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas, ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, kaya hindi ito tatanggalin sa pwesto kahit may ginawang paglabag sa mga quarantine protocol.

Sinampahan ng mga kasong administratibo sina Sinas at 18 iba pa, Biyernes, matapos umano’y lumabag sa pandemic protocol at magdaos at lumahok sa isang mass gathering noong kaarawan niya.

Nang tanungin sa ABS-CBN’s Teleradyo kung mananatili ba si Sinas sa pwesto, tugon ni Gamboa: “Yes, I hope the public would understand kasi nandito tayo sa emergency situation. ‘Pag palitan mo siya, we will never know.”

“Napakahirap palitan [ni Sinas] dahil ang dami niyang programa in relation to COVID,” aniya pa.

Sa ngayon, humaharap ang naturang Metro Manila police chief sa kasong less grave neglect of duty at less grave misconduct, na ayon kay Gamboa ay pwede pang maiangat sa pagpapatuloy ng paglilitis.

May maximum sanction umano ang mga kaso na 60-day suspension.

Pinadala na aniya ang administrative cases laban sa NCRPO chief sa Malacañang para sa clearance of investigation.

Sa ngayon, ayon kay Gamboa, may 234 COVID-19 case ang pulisya, kabilang ang 4 pagkamatay at 69 paggaling.

Kalahati aniya ng bilang ay mula sa Metro Manila police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?