93

Nov 23, 2019 @ 13:39
By

Walang maikaso: Lalaki huli sa pag-vape, pinakawalan din kaagad

Hindi nagtagal sa police station ang isang lalaki matapos itong damputin ng pulisya dahil sa paggamit ng vape.

Naispatan ng pulisya ang lalaki na humihithit sa Lucena City, Quezon Province noong Huwebes ng gabi dahilan para hulihin ito.

Nang makita ay kinumpiska ng mga pulis ang kanyang vape at gumawa pa ng police blotter para sa nangyari.

Ngunit nang walang makitang pwede maikaso sa lalaki ay kaagad naman itong pinakawalan.

Matatandaan na pinagbawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbe-vape sa pampublikong lugar dahil sa umano’y delikado ito sa kalusugan. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?