53

Dec 19, 2017 @ 12:34
By

Walang magic sa tax reform bill – Cua

Itinanggi ng Kamara ang mga alegasyon na may binura silang mga probisyon sa tax reform bill.

Ayon kay House ways and means committee chairman Dakila Carlo Cua, hindi totoong binigyan nila ng value added tax (VAT) exemption ang local coal manufacturers.

Pinabulaanan din nito na nag-lobby ang local coal producers para mabigyan sila ng exemption.

“If you have transcripts, read it, and show it to me also na may magic na nangyari diyan; pero wala talaga…My conscience is very clear, there’s no lobbying that happened,” diin ni Cua.

Sabi ng kongresista, kung nagkaroon man ng kalituhan sa mga probisyon ng coal tax, ito ay dahil lamang sa ‘miscommunication’ sa Senado, dahil sa staff na nagsulat ng draft at hindi dahil sa lobbying ng coal companies.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), itataas ang excise tax sa coal sa P50 per metric ton sa unang taon ng implementasyon sa 2018; P100 sa 2019; at P150 sa 2020.

Tinayang kikita ang gobyerno ng P2 bilyon sa pagtaas ng excise tax sa coal sa susunod na taon.

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN bill kasabay ng 2018 national budget ngayong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?