comelec-sk1
By

Walang madi-disqualify dahil sa narco list – Comelec

Sharing is caring!

Nilinaw ng Comelec na walang mababasura na certificate of candidacy (COC) dahil sa drug watchlist na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni Director James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, ang sinasabing narco list ay maaring magsilbing gabay ng mga botante para sa mga iboboto nila sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Paglilinaw pa ni Jimenez sa mga kandidato na walang epekto sa kanilang kandidatura kung sila man ay kasama sa listahan ng PDEA.

Aniya hindi mababasura ang kanilang kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 14 kung sila ay kasama sa listahan.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na bibigyan niya ng kopya ng kanilang narco list ang Comelec.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?