71

May 14, 2020 @ 15:45
By

Walang lusot! Sinas kakasuhan sa birthday ‘mañanita’ – Palasyo

Nakatakdang sampahan ng criminal case si National Capital Region Police Office Maj. Gen Debold Sinas matapos ang mass gathering na ginanap sa kanyang kaarawan noong May 8.

Ayon sa Palasyo, kakasuhan ng Philippine National Police si Sinas, kasama pa ang ilang police official na kasama sa mañanitam dahil sa mass gathering sa kabila ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.

“Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod pa sa criminal case, kukuha rin ng clearance ang PNP mula sa Office of the President para mapanagot din si Sinas sa administrative charges.

“Maj. Gen. Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP. The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees,” aniya pa.

Ang nasabing mass gathering ay lumutang matapos na magpaskil ang NCRPO Public Information Office ng mga larawan sa pagdiriwang sa kaarawan ni Sinas, kung saan marami ang dumalo sa kabila ng pagbabawal nito sa ilalim ng ECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?