131

By

‘Walang laban ang UP’ comment ni CJ Peralta sinagot ni Leonen

Nag-react ang UP alumnus at dating dean ng UP College of Law na si Associate Justice Marvic Leonen sa pahayag ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na walang laban ang Maroons sa UST Growling Tigers sa nakatakdang semifinal match-up nila sa Linggo.

“E wala naman laban ‘yung UP e. Dalawang beses nang natalo. Kaya lang baka may tsamba. ‘Yun ang delikado. Pag naglaban ang UST at UP, baka first half lang alam mo na talo ang UP e,” ang naging pahayag ni Peralta, na alumnus naman ng UST Faculty of Law.

Sinagot ito ni Leonen ng: “I am confident that the true facts of this controversy will be proven without a shadow of the doubt within the next few days.”

May twice-to-beat handicap ang UST laban sa UP sa UAAP Season 82 Men’s Basketball semifinals.

Ang mananalo sa kanila ang haharap sa undefeated Ateneo Blue Eagles sa finals.

Nawalis ng UST ang UP sa elimination round, 2-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?