598

By

Walang kurapan! Paolo Ballesteros nagtala ng ‘world record’

Gumawa ng ingay si ‘Eat Bulaga’ host Paolo Ballesteros sa larangan ng hindi pagkurap.

Sa pagkasa ni Paolo sa ‘Bawal Kumurap! Nakamamatay ng Swerte!’, lampas isang oras (1 hr, 17 min, 3 sec) na hindi pumikit ang TV host, inungusan ang 30 minutes at 44 seconds ni Pauleen Luna.

“MAY NEW RECORD NA TAYO! Na-beat ni Dabarkads Paolo ang oras ni Dabarkads Pauleen na 30:44 sa oras na 1 HOUR, 17 MINUTES sa Bawal Kumurap! Di lang ‘yan! Na-beat na niya din ang world record!” ayon sa post ng Eat Bulaga.

Wala pang naitatalang Guinness Book of World Records sa pinakamahabang oras na hindi kumurap, ngunit ayon sa RecordSetter ay nasa 1 hour, 5.61 seconds ang na-set ni Michael Thomas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?