14
james-yaps
By

Walang kupas sa basketbol, James ‘di apektado sa banat ni Kris

Sharing is caring!

Palong-palo pa rin ang galing ni James Yap sa paglalaro ng basketball. Walang epekto sa kanyang paglalaro ang naging banat sa kanya ni Kris Aquino nitong nakaraang linggo.

Napanood namin ang laro ni James bilang player ng team Rain or Shine (ROS) sa halos magkasunod na araw. Una nilang nakalaban ang Alaska at nu’ng Sunday ay Ginebra San Miguel team naman ang pinataob ng ROS.

Maliksi pa ring tumakbo sa loob ng basketball court si James at nakakapagpasiklab pa rin siya ng three points. Hindi pa rin nawawala ang mga fan niyang todo suporta kapag naglalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?