174
asi
May 11, 2018 @ 16:29
By

Walang kupas, Asi bahagi ng PBA All-Star

Makalipas ang 19 na taon sa pro league, bahagi pa rin ng PBA All-Star si Asi Taulava.

Sa edad 45 at pinaka-senior na sa liga, sasalang si Asi sa kanyang 16th All-Star game – longest stint sa league history – kasama ng PBA Visayas selection na tatasa sa Philippine national team sa final leg ng annual event sa May 27 sa Iloilo.

“I lost track of it,” natatawang sagot ni Taulava nang matanong kung nakakailang sabak na siya sa midseason spectacle. “But it’s always an honor to be part of the All-Star weekend. The All-Star has always been an outreach program for us players to give back to the fans.”

Lumiban ang NLEX big man sa All-Star noong 2000 (Iloilo), 2013 (Digos) at 2014 (MOA Arena). All-Star MVP siya noong 2004 at 2006.

Balik siya ngayong taon sa pang-apat na sunod na appearance, bahagi ng unit ni coach Chito Victorlero sa final phase ng three-leg tour na suportado ng Phoenix Fuel with Pulse Technology.

Kakampi niya sa Visayas team si James Yap, beterano ring nasa pang-15 sunod na seasons nang paglalaro sa All-Stars.

Kapag nasa All-Stars, para na rin daw nanalo ng championship si Asi.

“Some people take it for granted, but throughout my whole career, I always appreciate it. This means a lot,” anang The Rock.

Kickoff ng edisyon ngayong taon ang Mindanao selection ni Tim Cone kontra Nationals sa May 23 sa Digos, Davao del Norte bago tatawid ng Batangas para sa Luzon ni Leo Austria laban sa Gilas sa May 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?