44

By

Walang kumontra sa ‘di pagsama ni Blatche – Guiao

Sharing is caring!

Matapos ang matagal at masinsinang pag-uusap, naisipan ng Team Pilipinas organization na ‘wag ilagay si naturalized import Andray Blatche sa 20-man pool.

Ayon kay national team head coach Yeng Guiao, naiintindihan niya ang pagkadismaya ni Blatche dahil wala ito sa pool.

“I can feel for him, I can symphatize with him. He probably expected to be in the pool,” ayon sa head coach din ng NLEX Road Warriors.

Ngunit kahit anong pilit ay kailangang sundin ang naging desisyon ng board, na walang umapela ng matanggal ang pangalan ng dating NBA veteran sa pagpipilian.

“But ‘yun nga, after thorough consultation, talagang pinag-aralan namin, talagang inassess, nag-evaluate kami. And it went through different levels, from coaching staff, assistant coaches, head coach, SBP, PBA, talagang ibig sabihin pasado.

“Walang kumontra o walang nag-recommend otherwise. I felt that we have to follow through on that decision,” dagdag pa ni Guiao.

Si Blatche ay naging naturalized player ng ‘Pinas noong 2014 hanggang sa naging laban nila sa Australia ngayong taon, na nasuspende sa pagkakaroon ng partisipasyon sa ‘basketbrawl’ sa Philippine Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?