54

Jul 30, 2018 @ 18:33
By

Walang kapa-kapatid, SMB, Gins bugbugan

Sister teams sa ilalim ng San Miguel Corp. ang Ginebra at San Miguel Beer, pero pagdating sa court ay puro bakbakang umaatikabo na.

Balyahan, pisikalan. At siyempre pa, hindi nawawala ang trash talking.

“It’s funny,” ani Tim Cone sa news conference pagkatapos matambakan ang Gin Kings 134-109 sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Finals Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We’re sister teams but we’re not friendly.”

Sa kabuuan ay 48 fouls ang tinawag, 55 free throw attempts ang pinakawalan ng magkabila.

Sa loob lang ng 15 seconds sa fourth, tatlong technical fouls ang tinawag, dalawa ang nagresulta sa ejections nina Arwind Santos at Chris Ross.

Sa 5:18-minute mark, natawagan ng flagrant foul 2 (disqualifying foul) si Santos nang balikatin sa dibdib si Scottie Thompson. Sa 5:03, natawagan ng double technical sina Ross at Joe Devance dahil sa sagutan, pero napalabas ang SMB guard dahil pangalawang T na n’ya ‘yun.

“Honestly, we’re not friendly with them at all. And you know, we see them as the mountain to be conquered, and they see us as the main threat to their throne,” dagdag ni Cone. “So there’s no love lost between the two teams.”

Tambakan din ang Game 1 na itinagay ng Ginebra 127-99, inaasahan na ni Cone ang mas pisikalan pang mga susunod na laro.

Game 3 sa Miyerkules sa Big Dome pa rin.

“It certainly got chippy,” ani Cone sa uminit na laro. “And I think you’ll gonna see that through the whole series. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?