145
benjamin-diokno
Dec 12, 2018 @ 16:19
By

Walang kaibi-kaibigan! Diokno iimbestigahan ng Palasyo sa P75B insertion

Kahit kaibigan, kaalyado o katrabaho ay hindi lusot sa imbestigasyon kapag mayroong bintang ng katiwalian.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa bintang ni Congressman Rolando Andaya na sangkot umano si Budget Secretary Benjamin Diokno sa P75 billion na isiningit sa proposed 2019 national budget.

Sinabi ni Panelo na kahit may gagawing imbestigasyon ang Kamara, interesado ang Palasyo na malaman ang puno’t dulo ng akusasyon kay Diokno kaya mag-iimbestiga rin ang ehekutibo.

Itinanggi na aniya ni Diokno ang akusasyon ni Andaya pero nais pa ring malaman ng Malacanang ang katotohanan hinggil dito.

“Secretary Diokno has already denied any involvement or any link. Since there is allegation of corruption, it follows that we have to investigate.

But let me repeat what we have said repeatedly: This President is no respecter of friendship, of alliances, of party affiliations, of friendship. His principle is you follow the law; you violate it – you will account for it. You engage in corruption, then you will be fired,” ani Panelo.

Hindi naipasa sa takdang panahon ang 2019 proposed national budget dahil sa natuklasang mga isingit umano na malalaking halaga para sa ilang piling mambabatas.

Makailang ulit inihayag ni Pangulong Duterte na walang puwang sa kanyang administrasyon ang sinomang opisyal na masasangkot sa korapsiyon dahil agad na sisibakin ang mga ito kahit na pahiging lamang ang impormasyon na makarating sa kanyang tanggapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?