46
gary-alejano
By

Walang ‘K’ sumali ang ‘Pinas sa UN Human Rights Council! – Alejano

Sharing is caring!

Kinontra ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano ang pagkakasama ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council.

Sa naging pahayag ni Alejano sa isang news forum sa Quezon City, sinabi nito na hindi dapat umano maisali ang ‘Pinas sa isang konseho na para sa pagrespeto ng karapatang pantao.

“It would be ironic na magiging miyembro tayo ng isang komisyon na magtataguyod at magpapatibay ng pagrespeto ng karapatang pantao sa buong mundo, tingin ko walang karapatan ang Pilipinas na maging bahagi niyan,” pakli ni Alejano.

Ang pinapatungkulan ni Alejano ay ang umano’y extra-judicial killings na nangyayari simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang kampanyang ‘war on drugs’.

“Kahit ano pa ang paliwanang ng gobyerno hindi po maide-deny na libo-libo na po ang namatay. Libo-libo na ang nabiktima ng war on drugs kahit ano pang pagpapaliwanag,” mariing sambit ni Alejano.

“Ang laging nag-a-attend doon si Secretary Cayetano. Lagi niyang pinapaliwanag na hindi totoo na may paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas. Hindi po makatotohanan ‘yun, saang planeta ba sila nabubuhay at hindi nila alam na merong paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?