47

Sep 14, 2021 @ 19:08
By

Walang ‘K’ sa ILC! Roque sinuka ng UP

Ang University of the Philippines (UP) – Diliman – kung saan 15 taong nagturo ng law si Presidential Spokesman Harry Roque – ang mismong kumontra sa kanyang nominasyon na magkaroon ng pwesto sa International Law Commission (ILC).

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng pamunuan ng UP na ang ‘poor track record’ mismo ni Roque ang dahilan ng kanilang pagtutol.

“Atty. Roque has a very poor track record of promoting, defending and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Rodrigo Duterte in which he serves as a Cabinet member,” ayon sa pahayag.

“The UP Diliman Executive Committee resolves that it opposes the nomination of former UP faculty member Herminio “Harry” L. Roque, Jr. to the International Law Commission,” dugtong pa ng statement.

“His inclusion in the Commission would not serve its purposes but instead diminish the reputation of the body,” ayon pa sa UP.

Isa rin sa mga kumontra sa nominasyon ni Roque ay ang Free Legal Assistance Group (FLAG).

Ang mga boboto sa mga uupo sa 34 pwesto sa ILC ay mga miyembro bansa ng United Nations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?