186

Oct 16, 2017 @ 12:48

Walang jeepney phase out, papalitan lang ang luma – Solon

Nilinaw ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na hindi aalisin sa kalsada ang tinaguriang “king of the road” sa harap ng public utility vehicle(PUV) modernization program.

“Hindi mawawala ang jeepney bilang iconic Filipino symbol at kabuhayan ng maraming Pilipino sa Metro Manila at iba pang panig ng Pilipinas,” ayon kay Herrera-Dy.

Ginawa ng kongresista ang pahayag kaugnay ng dalawang araw na nationwide transport strike sa pangunguna ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON).

Ito’y bilang protesta sa PUV modernization program ng gobyerno.

Tutol ang PISTON sa programa dahil sa umano’y planong pag-phaseout sa pampasaherong jeepney kung saan ire-require magiging ang maliliit na operators na bumili ng bago at mas mahal na modelo.

Pero ayon kay Herrera-Dy, ang tanging maapektuhan lamang ng phase-out ay iyong mga lumang units.

“The public is generally not aware, in my view, that the jeepney phase-out will affect only the old units. This point gets lost in translation and fizzles out in the public debate,” ayon sa kongresista.

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inaprubahan na ng finance officials ang 80 libong pisong subsidy para sa bawat isa ng 28,000 jeepneys sa ilalim ng PUV modernization program. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?