140

Mar 31, 2020 @ 15:46
By

Walang iwanan! Birthday wish ni Ion kay Vice

Paniguradong masayang-masaya ngayon si Vice Ganda dahil may nagpapatibok ng kanyang puso ngayong kaarawan nito.

Tila nakakita na ng forever si Vice sa katauhan ni Kuya Escort Ion Perez, na binati siya sa kanyang ika-44 birthday,

Sa birthday greeting ni Ion, hiniling nito kay Vice na sana’y maging masaya ang kaarawan nito kasama siya.

“Sana maging masaya yung birthday mo kasama yung mga kaibigan mo, kasama ako,” sey ni Ion.

Sey pa ni Ion, hiling niya na magtagal pa ang relasyon nila ni Vice, na nilarawan niya bilang kanyang partner, lover at very best friend.

Sa dulo ng greeting ay kinakilig naman ng madlang pipol ang pagsabi ni Ion ng ‘Mahal na mahal kita’ sa Unkabogable star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?