260

Dec 11, 2017 @ 18:25
By

Walang itinagong impormasyon sa Dengvaxia – Sanofi Pasteur

Walang itinagong impormasyon tungkol sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia ang Sanofi Pasteur, ang manufacturer sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa pagdalo ng dalawa sa matataas na opisyales ng isa sa pinakamalaking pharmaceutical firm sa buong mundo sa ginaganapna Senate Blue Ribbon Committee, ipinapakita nito ang kahandaan ng Sanofi na matuldukan ang mga umiiral na pagdududa hinggil sa lunas na dala ng kanilang anti-dengue vaccine.

Pinaninindigan din ng Sanofi Pasteur ang kanilang mga pag-aaral na nagpapatunay na mabisa ang dengvaxia sa pagpuksa ng dengue lalo na sa mga bansang may malaganap na kaso ng dengue, lalo na sa Pilipinas.

Hindi umano dapat matakot ang mga magulang sa pagbakuna ng kanilang mga anak ng dengvaxia. Hindi ang gamot, kundi ang lamok ang nagdudulot ng dengue sa mga tao.

Sa nasabing hearing, binigyang-linaw ni Thomas Triomphe, Sanofi Pasteur Vice Presidentfor Asia Pacific na ginagawa nila ang lahat ng mga hakbang na naaayon sa batas at regulasyon ng Pilipinas.

Tulad ng isang regular na purchase request, sinabi ni Triomphe na ginawa nila ang lahat ng magagawa nito upang matumbasan ang hiling ng pamahalaan na tulungan itong sugpuin ang lumalaking kaso ng dengue sa Pilipinas.

Sa tala ng mga eksperto, mahigit 200,000 kaso ng dengue kada taon ang nangyayari sa Pilipinas. Mabisa ang dengvaxia sa pagbigay ng mas matinding proteksyon sa mga taong nagkaroon na ng dengue.

“ The continuing long-term safety evaluation of the vaccine shows significantly fewer hospitalizations due to dengue in vaccinated vs. unvaccinated participants 9 years and older. The regulatory filing for the vaccine has been approved in 19 countries to date and launched in 11 of these countries,” sabi ni Triomphe.

Batay sa bagong pag-aaral, nakumpirma na nagbibigay ng patuloy na protective benefit laban sa dengue fever ang dengvaxia, upang maiwasan ang matagal na pagkaka ospital at pagkakaroon ng matindi at malalang lagnat sa mga taong nagkaroon na ng dati nang dengue infections.

Ibinigay din ng Sanofi ang kaukulang mga gabay para sa mga health workers batay sa umiiral na pag-aaral nito tungkol sa bisa ng dengvaxia.

Patuloy ang pag-aaral ng Sanofi Pasteur hinggil sa dengue at naninindigan itong mabisa ang bakuna laban sa dengue. Maricel Diaz

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?