80
Walang itatapon kina Harden, Westbrook
Dec 22, 2019 @ 18:48
By

Walang itatapon kina Harden, Westbrook

Unti-unti nang inaani ng Houston Rockets ang dibidendo ng sugal nilang pagsamahin sina James Harden at Russell Westbrook.

Ibang klaseng bilis sa opensa ang dala ng dalawang superstar guards, hindi malaman ng Phoenix Suns kung sino ang uunahing pigilin nitong Sabado.

“Russell is go, go go,” ani Rockets coach Mike D’Antoni. “When it’s halfcourt, maybe it’s James’ time.”

Umiskor si Harden ng 47, tumapos ng 30 si Westbrook at kumaripas ang Rockets sa 139-125 victory laban sa Suns.

Lumapit ang Phoenix 115-107 may 9:37 pa sa laro pero sumagot ang Houston ng 21-9 spurt mula sa apat na 3-pointers ni Harden. Maya-maya ay isa-isa nang nagtayuan ang Suns crowd para pumilas sa exits.

Tumira si Harden ng 15 of 27 mula sa field, 9 for 19 sa 3-point range. Nangunguna sa NBA ang 38.5 points per game ni Harden.

Nakakatipon na ng 1,124 points ngayong season si Harden, pinakamarami ng isang player sa 29 games sapul nang maglista si Rick Barry ng 1,134 noong 1966-67 season. Pagkatapos ng laro, binigyan pa siya ng ovation ng fans na naiwan.

Maangas ding 33.7 points, 8.0 rebounds at 6.3 assists per game ang averages ni Westbrook sa huling tatlong laro. Namigay siya ng 10 assists kontra Suns.

Umayuda ng 14 points at 17 rebounds si Clint Capela sa Rockets.

Hindi naisalba ng 26 points ni Kelly Oubre Jr. ang Suns na sadsad sa pang-anim na sunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?