27

May 3, 2021 @ 20:11
By

Walang imposible: Sinas, malaki ang pinayat!

Proud si outgoing Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na 72 pounds ang nabawas sa kanyang timbang dulot ng diet at regular na pag eehersisyo.

Inanunsyo ito ni Sinas sa isang press briefing nitong Lunes, Mayo 3, kung saan pineresenta rin niya sa media ang 20 mga pulis na malaki rin ang nabawas sa timbang dulot ng kanyang programang “Oplan Chubby Anonymous.”

Ang 20 pulis ay nakapagbawas umano ng 10 pounds at higit pa dahil sa programa.

Dahil dito, hinikayat ni Sinas ang sinomang iluluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na PNP chief na ituloy ang programa.

“I’m encouraging them and who will be the next Chief PNP to continue the program by the word Chubby Anonymous. My program is five months kaya so I went out to encourage them (the volunteer cops) because after eight weeks or two months they already lost 22 kilos,” ani Sinas.

“I’m very proud of what we’ve done in the Chubby Anonymous. Just like what I did, they would feel good and they would be more presentable,” dagdag ng PNP chief, na matatapos ang termino sa Mayo 8, kung saan siya ay magdiriwang ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Bukod sa pagpapatuloy ng Oplan Chubby Anonymous ay hinikayat din ni Sinas ang lahat ng pulis na ipagpatuloy ang regular na pageehersisyo.

Ang ehersisyong tinutukoy ng PNP chief ay ang apat na minutong ehersisyo tuwing alas-10:00 am ng umaga at alas-3:00 pm ng hapon.

Sa loob ng apat na minuto na ito ay mageehersisyo ang mga pulis sa saliw ng tugtog ng Voltes V, na siyang paboritong animated program ng PNP chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?