1,001

By

Walang halong politika – Roque sa pagbawi ng amnestiya ni Trillanes

Sharing is caring!

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang bahid ng politika ang pagbawi sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV dahil hindi naman kaila na lumabag ito sa batas.

Ayon kay Roque, ang ginawa ni Trillanes na rebeliyon sa Oakwood at Manila Peninsula krimen o paglabag sa batas na kailangan niyang panagutan.

“Hindi naman pupuwede na magbabalot ka ng bomba sa Oakwood at i-tatake over mo ang Manila Peninsula ng wala ka nang pananagutan. It doesn’t work that way.” esplika ni Roque.

Ipinaliwanag pa ni Roque na kahit sinong politiko o mambabatas ay maaring parusahan basta’t mapatunayan na may pagkakasala. Hindi umano namimili ang administrasyon lalo’t kilalang kritiko si Trillanes ni Duterte.

“Magsasampa ng kaso kung may ginawang paglabag sa batas. Kung mayroon naman pong administration na mga mambabatas na may ginawa silang (labag sa) batas eh isumbong niyo po sa amin at kakasuhan din ‘yan pero sa tingin ko naman walang kaduda-duda na lumabag sa batas itong si Senator Trillanes noong ginawa niya ‘yung Oakwood at Manila Peninsula.” dagdag pa niya.

Wala naman umanong epekto ang maaring muling pagkakakulong ni Trillanes, dagdag pa si Senador Leila De Lima dahil independent ang Senado at kahit mabungian ang Senado ay makakapaglabas pa rin ito ng desisyon. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?