387

Oct 5, 2017 @ 14:59

Walang halaga si Trillanes – Duterte

Hindi mag-aaksaya ng kahit sampera si Pangulong Rodrigo Duterte para kay Senador Antonio Trillanes IV.

Inihayag ito kahapon ng Pangulo kasunod ng bintang ni Trillanes  na nagbayad ito ng P10 milyong para makuha ang bank accounts nito sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na walang dahilan para gumastos siya kahit sentimo para sa senador at hindi aniya ito karapat-dapat gastusan kahit piso.

Itinanggi rin ng Presidente na kakilala niya ang isang Danny “Snooky” Cruz  na nagbenta umano sa kanya ng mga impormasyon sa bank accounts ni Trillanes kapalit ng sampung milyong piso.

Ayon sa Pangulo, ang kakilala lamang niyang Snooky ay isang artistang at ang isa ay nasa komiks.

“Wala akong kila…. Ang kilala kong si Snooky ay yung artista pati na yung sa komiks, sa totoo lang,”ang pahayag ng Presidente.

Nauna ng minaliit ng Palasyo ang inilabas na larawan ni Trillanes kay Cruz kasama ang Pangulo at ilang opisyal ng gobyerno na pinulot lamang umano sa social media. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?