181

By

Walang gustong kumampi kay Westbrook

RP

Mas pinapahalagahan umano ni Russell Westbrook ang kanyang game statistics kaysa manalo.

Ayon ‘yan sa brand ambassador at mabuting kaibigan ni Kevin Durant na si Randy Williams.

Aniya sa Instagram post ng Bleacher Report, walang gustong kumampi kay Westbrook dahil kapag natatalo ang Oklahoma City Thunder ay tila sa iba nababaling ang sisi maliban kay Brodie.

Aniya, kaya rin madalas lumipat ang mga nakakasama nitong superstar ay dahil sa stat-padding game style ng 2017 NBA MVP.

“No one wants to play with Russ! Everyone blames everyone else expect him!” ayon kay Williams.

“Russ is all about Russ! He’s more worried about Stats vs Playing Winning Basketball!” aniya pa.

Dapat rin daw ay i-trade na ng OKC si Westbrook at matuto itong maging maayos na kampi.

“OKC will have to trade Russ & He will have to become a Better Player/Teammate! He can keep that intensity & competitiveness!” sey pa.

Ito ay kasunod nang pagkaka-trade kay Paul George sa Los Angeles Clippers kapalit ang ilang first round picks at sina Shai Gilgeous-Alexander at Danilo Gallinari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?