161

Oct 11, 2017 @ 16:43

Walang ghost project sa Lubang Island – Villar

Mariing pinabulaanan ni Public Works Secretary Mark Villar ang alegasyon ng isang mayor na nagkaroon ng ghost project ang  ahensiya sa bayan ng Lubang Island sa Occidental Mindoro na nagkakahalaga ng halos P400 milyong piso.

Ginawa na kalihim ang paglilinaw matapos ilathala ng ABANTE ang rebelasyon ni Lubang Mayor Roberto Sachez hinggil sa 24 road projects sa isla sa ilalim ng pamumuno ni District Engineer Josefino Mergal.

Ayon kay Villar, agad siyang nagpadala ng investigating team sa Lubang para imbestigahan ng alegasyon ni Mayor Sanchez at nadiskubreng wala namang anomalya sa 24 road project ng DPWH sa nasabing lugar.

“A team was dispatched to Lubang in Occidental Mindoro, to conduct an investigation on the projects specified in the complaint. After ocular inspection of each of the 24 projects provided, the team concluded that there is no ghost project in the area,” pahayag ni Villar sa isang statement kahapon.

Paliwanag pa kalihim, wala din aniyang katotohan ang alegasyon ni Sanchez na hindi pa nasisimulan ang ilan sa mga road projects ng DPWH sa bayan ng Lubang.

“In fact, the accomplishment of some of the projects specified was already in the advanced stages,”  sabi ng kalihim matapos ang ginawang pagsusuri ng kanyang mga tauhan.

Samantala, tiniyak naman ni Villar na madali na nilang masusugpo ang mga ghost project ng ahensiya lalo na ngayon na gagamit sila na drone at satellite para sa kanilang monitoring system.

Ang paggamit ng makabagong monitoring system ay sa ilalim ng Project and Contract Management Procedure and Application (PCMA) na gagamitan ng built-in geotagging feature.

“DPWH has already started its transition to a new monitoring system with built-in geotagging features to detect any ghost project real time, as soon as they are posted in the system,” ayon kay Villar.

Sa ilalim ng teknolohiya, bago makasingil ang isang kontratista, kinakailangan muna silang magsumite ng geo-tagged photos at ng geographic-based status report kaya magagawang masugpo ang mga anomalya.

“The new feature would enable the adding of geographic identification data to photos, videos, and other posts which allows other content from the same geographic location to be found,” sabi ni Villar.

“It will also provide a more accurate measurement of project accomplishments and at the same time determine whether certain infrastructures have been duplicated or if there are any instances of infrastructure overlap in the country,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?