93

Jul 3, 2019 @ 14:30
By

Walang ‘friends’ sa Saligang Batas – Diokno

Hindi umano maaring gamiting dahilan ang pagkakaibigan sa pagpayag na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon kay human rights lawyer Chel Diokno.

Saad ni Diokno walang nakasulat sa Konstitusyon na pwedeng mangisda ang mga ‘friends’ ng sa karagatan ng Pilipinas.

“Ito ay absolute at categorical, klarong-klaro sa ating Saligang Batas… wala pong nakalagay dito na exception for friends, kung sino man ang sinasabi nila,” ayon kay Diokno.

Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahayaan niya ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea dahil friends niya ang bansa.

Saad pa ni Diokno na maliban sa Konstitusyon, sinabi rin nito na noon pang sa Presidential Decree 1599 ni dating Pangulo Ferdinand Marcos ay nakalagay na tanging Pilipinas lang ang may rights sa paggamit, pagsuri at pag-explore sa mga sakop ng EEZ ng bansa.

”In fact we don’t even have to look at the Constitution, way before the 1987 Constitution, ‘don sa Presidential Decree 1599 pa lang, nando’n na ‘yong pinaka- basis natin for protecting our environment in the West Philippine Sea,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?