379

Walang foul? Mga netizen kinuwestiyon ang officiating sa SMB-Magnolia Game 7

Limang sunod-sunod na kampeonato para sa San Miguel, at katambal ng tagumpay ay ang kontrobersiya sa Game 7 kontra Magnolia.

Sa laro, nakahabol ang SMB sa fourth, 2:25 ang natitira sa game clock at pumihit si June Mar Fajardo.

Nakabantay sa kanya si Mark Barroca, bagsak sa bangga ni Fajardo na tingin ng karamihan ay dapat tinawagan ng offensive foul. Nakaiskor ang five-time MVP, 70-69, nakuha ang kalamangan.

Sa huling possession naman, abante ang Beermen ng isa, 72-71, nag-drive si Magnolia guard Jio Jalalon sa basket, ngunit sinalubong ni Marcio Lassiter dahilan para mablangko ang tira.

Nahiga sa sahig si Jalalon, tingin nito ay natamaan siya sa ulo na sinang-ayunan naman ng ilang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?