88

May 2, 2020 @ 14:16
By

Walang favoritism sa POGO – Roque

Nilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi pinapaburan ang mgg Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) matapos silang payagan na magbukas sa enhanced at general community quarantine.

Saad ni Roque, ang pagbubukas ng mga POGO ay base sa ‘equal protection clause’ o ang pagtrato ng pareho sa katulad nito.

Ito’y matapos na igiit ni Roque na ang mga POGO ay kapareho lang ng BPO industry, na pinayagang magbukas sa ECQ.

“Ang POGOs, wala pong favoritism diyan,” paliwanag ni Roque.

“Dahil isang klaseng ng BPO ang POGO, kailangan silang mapabuksan,” aniya pa.

Bago makapagbukas ang mga POGO ay kinakailangang mabayaran nila ang lahat ng kanilang utang sa buwis, pati na rin sa regulatory fee sa Philippine Amusement and Gaming Corp.

“Nakasalalay sa BIR commissioner at PAGCOR… Kailangan may tax clearance, kailangan bayaran lahat ng kailangan sa PAGCOR,” lahad ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?