78

Oct 8, 2017 @ 15:30

Walang fake news sa Abante!

Ang proliferation o paglaganap ng fake news sa social media ang nagbukas sa isipan ng publiko na mapagkakatiwalaan pa rin ang mga pahayagan tulad ng Abante at ng ibang mga legitimate newspaper.

Kung walang panahon ang iba na bumili at magbasa ng mga diyaryo, may website o online edition ang Abante na isang click lang, makikita at mababasa ng mga millennial ang lahat ng mga balita na hindi kuryente at kuwentong kutsero.

Kahit sino na lang, puwedeng maging blogger o influencer dahil sa social media pero hindi taglay ng karamihan sa kanila ang kredibilidad at karanasan na kailangan ng isang journalist para pagkatiwalaan ng readers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?