92

Apr 3, 2020 @ 18:49
By

Walang face mask aarestuhin, pagmumultahin

Aarestuhin o pagmumultahin ang sinumang hindi magsu-suot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

Ito ang babala ni Joint Task Force COVID-19 Shield Held P/ Lt. General Guillermo Eleazar sa gitna ng umiiral na enhanced committee quarantine sa buong Luzon laban sa COIVD-19 pandemic.

Nanawagan din si Eleazar sa mga Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbibigay parusa sa mga taong hindi nagsusuot ng face mask.

Magugunita na sinabi ni AITF Spokes Person at Cabinet Secretary Carlo Noglares na ang lahat ng lalabas ng bahay ay kailangang magsout ng face mask, face shield , panyo.

Ginawa ni Nograles ang hakbang upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?