39

Jan 4, 2018 @ 12:18
By

Walang extension ng termino ni Duterte – Alvarez

Tinuldukan na ni Speaker Pantaleon Alvarez ang mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapalawig ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tahasang pinabulaanan ni Alvarez na naghahangad ng term extension ang Pangulo.

Binigyang-diin ng Speaker ang paulit-ulit na pahayag ng pangulo na agad itong bababa sa posisyon pagkatapos na pagkatapos ng kanyang termino.

“Malinaw po ang sinabi ng Pangulo na yung kanyang termino mag-e-end on or before (2022.) Kasi kung kinakailangan niyang mag-resign bago mag-2022 para ang ating bagong Saligang Batas, yung bagong sistema ng gobyerno ay kaya niyang gawin yon,” giit ni Alvarez.

Sabi ng Speaker, kilala niya si Duterte kaya alam niyang totoo ito sa binibitiwang mga salita.

“Matagal ko ng kilala yan, talagang pagod na rin at kung pupuwede nga lang bukas,” ayon kay Alvarez.

Nilinaw rin nito na ang binanggit niya tungkol sa posibilidad ng no-election scenario sa 2019 ay para sa mga senador na magtatapos ang termino sa nasabing taon na manatili na lamang sa puwesto habang nasa transition period tungo sa federal form of government hanggang 2022.

Sinita naman ni Alvarez ang mga taga-oposisyon dahil nililito anya ang publiko sa no-el scenario. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?