46

Nov 30, 2017 @ 21:13
By

Walang ebidensiya kay Faeldon, 11 iba pa sa P6.4-B shabu shipment – DOJ

Nabigo diumano ang mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makapagbigay ng ebidenisya na magdiin kina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at 11 ipa sa P6.4-bilyon shabu galing China, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ibinasura ng DOJ ang criminal complaint na inihain laban sa mga BOC officials subalit kinasuhan ang siyam na indibidwal kabilang sina Customs fixer Mark Ruben Taguba II at businessman Chen Ju Long, alias Richard Tan o Richard Chen, sa Valenzuela City Regional Trial Court .

Kinasuhan ng PDE si Feldon at kanyang mga kasama ng graft, obstruction of justice, coddling drug traffickers, conspiring to import illegal drugs, at negligence and tolerance sa ilalim under Article 208 of the Revised Penal Code subalit hindi ito kinatigan ng DOJ.

Ang ibang kinasuhan na sina dating BOC directors Milo Maestrecampo at Neil Anthony Estrella, intelligence officers Joel Pinawin at Oliver Valiente, Manila International Container Port District collector Vincent Phillip Maronilla, lawyer Jeline Maree Magsuci, and Customs employees Alexandra Ventura, Randolph Cabansag, Dennis Maniego, Dennis Cabildo, and John Edillor.

Kinastigo ng ilang senador ang desisyon ng DOJ sa pag-absuwelto kay Faeldon at iba pang kasama nito sa BOC.

Sa joint resolution ng DOJ noong Nobyembre 16, sinabi doo na “it was not shown by the evidence, as in fact there is none, that any of the BOC respondent had a hand in the preparation of the subject contraband at its purported point of origin from China.”

“Similarly, it appears that none of them facilitated or participated in the preparation of the import documents of the same,” sabi pa ng DOJ. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?