27

Sep 4, 2021 @ 17:37
By

Walang dikit-dikit, taas-kamay: Protocols strikto sa halalan – Comelec

Titiyakin ng Commission on Elections (Comelec) na iiral pa rin ang social distancing at iba pang minimum health protocols sa 2022 elections.

Kaugnay nito, ang mga malawakang campaign rally ay hindi muna matutunghayan dahil sa pandemya at online muna ang karaniwang pagiging platform ng mga kandidato.

Pagdating naman sa pagbabahay-bahay, maliit na grupo lamang ang papayagan ng Comelec na dapat ay ‘di lalampas sa lima katao.

“Each group and candidate shall ensure that all interactions with the public shall be brief, transient, and with minimal physical contact,” pahayag ng Comelec.

At sakali mang may face to face na gathering, hanggang 10% lamang ng venue ang dapat papasukin at bawal ang menor de edad at mga edad 65 pataas.

Pagdating naman sa botohan, sisiguraduhin ang disinfection at paglalagay ng plastic barrier sa pagitan ng bawat botante.

Gayundin, kukunin ang temperatura ng mga botante at dapat ay nakasuot sila ng face mask at face shield.

Pagkatapos naman ng botohan, maaaring via online na lamang ianunsyo ang nanalo. Sakali mang personal, bawal itaas ang kamay ng nagwagi.

“BOC (Board of Canvassers) shall ask the winning candidate of preferred mode of proclamation, personal or online,” pahayag ng Comelec. “If personal proclamation is preferred, the BOC shall not physically raise the hand of the winning candidate.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?