44

Oct 16, 2017 @ 13:25

Walang destab plot sa 2 araw na transport strike – Piston

Mariing pinabulaanan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na ang dalawang araw na jeepney strike ay bahagi ng destabilizaation plot laban sa gobyerno.

Sa panayam sa Unang Balita ng GMA News, sinabi ni PISTON national president George San Mateo, ang naturang alegasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay panglihis lang nito sa tunay na isyu, ang modernization program para sa public utility vehicle (PUV).

“Paglilihis na lang sa issue ‘yon particularly ng gobyerno naman ‘yan through LTFRB no, kasi minamaliiit kasi nila ‘yung strike,” San Mateo said.

“Yung programa nila magtatanggal ng kabuhayan kaya alam talaga nila anumang asosasyon ng mga driver, anong federasyon ‘yan lalahok sila massively sa protesta na ‘to at ‘yun ang in-anticipate nila,” dagdag pa nito.

Naunang nang sinabi ng LTFRB na nakatangga[ sila na ulat na ang transport strike na pinangungunahan ng LTFRB ay suportado na makakaliwang grupo na nagnanais diumano na pabagsakin ang pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?