223

Oct 8, 2017 @ 15:00

Walang cover-up sa Castillo slay case – UST alumni

Naniniwala ang dalawang alumni association ng University of Santo Tomas na walang nagaganap ng cover-up hinggil sa imbestigasyon sa pagkamatay ng Freshman Law Student na si Horacio Castillo III.

Sa kanilang joint statement, kapwa sinabi ng UST Alumni Association Incorporate dat UST Law Alumni Foundation Incorporated na hindi nila kukunsintihin ang mga isinasangkot sa initiation rites kay “Atio”.

Iginiit din nila na walang anumang proteksiyon silang ibinibigay sa mga suspek.

Sa naturang statement din ay sinabi ng dalawang alumni Associations na kaya nila binuo ang isang Commssion ay para magkaroon ng patas at sariling pagsisiyasat sa Krimen.

Paglilinaw pa ng dalawang grupo, wala ni-isang miyembro ng faculty ng College of Law ang kasama sa naturang komisyon.

Una nang sinabi ng mga magulang ni Atio na kabilang sa kanilang kakasuhan sa Department of Justice ang dekano ng UST Civil law na si Nilo Divina at iba pang opisyal ng unibersidad.

Samantala, kamakailan ay nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na tutulong siya para sa pagbibigay ng hustisya kay Castillo. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?