52

Dec 26, 2017 @ 19:42
By

Walang cover-up sa imbestigasyon ng Davao mall fire – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang magiging cover-up sa imbestigasyon ng nasunog na NCC mall sa Davao City na nagresulta sa pagkasawi ng 37 katao.

Ayon sa Pangulo, ito ang kanyang ipinangako sa pamilya ng mga biktima para matukoy ang puno’t dulo ng malagim na insidente.

“What I assured them is that truth will– Let the truth come out. Yan lang naman ang ano rin nila eh. Totoo lang, ano ang nangyari,” anang Pangulo.

Pinayuhan ng Presidente ang pamilya ng 37 nasawi na i-cremate na lamang ang labi ng mga nasawi dahil sunog na sunog na ang mga ito.

“Sabi ko sa kanila, “sunog na yan”. And even if you bring the cadaver back home, you wont be able to open up the coffin for people to see. I suggested creamation. It’s the pinaka-ano, pinakamalinis, pinaka-expedient way of doing things,”ang pahayag ng Pangulo.

Handa aniya ang Pangulo na tumulong para sa pamilya, at tiyak naman aniyang sasagutin ng kumpanyang pinaglilingkuran ng 37 call center agents ang kanilang kompensasyon at mga gastos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?