66

Jan 2, 2018 @ 11:17
By

Walang compromise deal sa Marcos family – Palasyo

Pinabulaanan ng Malacañang na mayroong pinasok na kasunduan ang gobyerno sa pamilya Marcos.

Kasunod ito ng lumabas na dokumento sa social media kung saan may lagda ni Atty. Oliver Lozano para kumatawan sa pamilya Marcos at tinanggap naman ng tanggapan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala siyang maalalang may kasunduan sa pamilya Marcos at hindi niya alam kung ang mag sinasabing dokumento ay natanggap ng Palasyo.

“We deny that there is such a compromise. We do not even know if its been received by the palace,” ani Roque.

Sinabi naman ni Atty. Panelo na ang mga dokumento ay ipinadala ni Atty. Lozano at bilang kortesiya at polisiya ay ina-acknowledge niya ang ano mang dokumento o sulat galing sa mamamayan.

Wala aniya siyang ginawang aksiyon sa mungkahi ni Lozano.

“He submitted a draft, apparently he drafted. He wrote our office and attach that draft. He has been submitting a lot of proposals and suggestions. Our office just acknowledges receipt of the same and thank him for his suggestions,”ang pahayag ni Panelo.

Batay sa dokumentong ipinadala umano ni Atty. Lozano kay Atty. Panelo, maaring gamitin ang mga sequestered assets ng pamilya Marcos para sa malawakang rehabilitasyon ng gobyerno at magamit pambayad sa panlabas at panloob na utang ng pamahalaan kapalit ng immunity from suit o paglibre sa lahat ng kaso ng mga Marcos.

Humihirit din umano ng ilang porsiyento ang mga Marcos sa mga nasamsam na mga ari-arian at freezed assests ng mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?