74

By

Walang charot! Ethel Booba kampeon sa ‘Tanghalan’

Pinatunayan ni Ethel Booba na hindi lang pagjo-joke siya magaling matapos magwagi sa Tawag ng Tanghalan celebrity edition ng “It’s Showtime” nitong Sabado.

Binanatan ni Booba o Ethel Gabison in real life ang renditions ng mga kanta nina Buddy Rich at Sammy Davis Jr. na “What Kind of Fool Am I?” at “I’ll Never Say Goodbye” ni Nonoy Zuñiga.

Pinataob ni Booba sina Jason Fernandez (36.79%) at Roxanne Barcelo (23.39%) sa total average score na 39.82 percent.

Nakapagbulsa si Booba ng P300,000 cash; recording contract at iba pa.

“Eto na BOOBArians and Madlang Pipol. Maraming maraming salamat sa inyong boto. Hindi to Charot!” tweet ni Booba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?