42

Dec 20, 2017 @ 18:11

Walang ceasefire sa drug war – Bato

Hindi umano titigil ang Philippine National Police sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga ngayong Kapaskuhan, ayon kay PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sabi nito, tiyak umanong malakas ang bentahan ng illegal drugs ngayong holiday season dahil panahon ito kung saan nakakatanggap ng bonus ang tao.

“Tuluy-tuloy ‘yung operations ng ating kapulisan dahil alam natin na pag pasko bumabaha ang pera maraming bonus,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng mga reporters kanina.

“Maraming pera na nagci-circulate so meaning, marami ring shabu na magci-circulate dyan dahil everybody wants to have money, everybody wants to be happy,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?