39

Dec 11, 2017 @ 12:16
By

Walang ceasefire ngayong Christmas season – AFP

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire sa pagitan ng Communist Party of the Philipines-New People’s Army (CPP-NPA) ngayong Christmas season.

Sa kabila ito ng panawagan ng ilang grupo partikular na ang mga church leader na isulong ang unilateral ceasefire sa pagitan ng CPP-NPA ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay acting AFP spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, nananatili ang suporta ng AFP sa desisyon ng Pangulo bilang commander in chief na huwag nang ipatupad ang ceasefire ngayong Disyembre.

Maging aniya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagdesisyon na rin na hindi irerekomenda ng ceasefire.

“The AFP supports the wisdom and wise discretion of the CinC. He has already declared that there will be no unilateral ceasefire this December. The SND has made a similar announcement of his position on the matter,” sabi ni Arevalo.

Paliwanag ni Arevalo, posibleng magmalabis muli ang mga NPA kung ipatupad nila ang ceasefire ngayong Christmas season. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?