32

Jan 2, 2018 @ 18:08
By

Walang biktima ng stray bullet sa southern MM – SPD

Sa kabila nang pagkakaroon ng apat na insidente ng pagpapaputok ng baril, inanunsiyo ng Southern Police District (SPD) na walang naitalang biktima ng ligaw sa anim na lungsod at isang bayan na kanilang nasasakupan.

Sinabi ito ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., at aniya ito ay base sa isinagawa nilang monitoring simula noong Disyembre 16 hanggang alas-7 Lunes ng gabi.

Ang naitalang illegal discharge of firearms ay isa sa Makati City, isa sa Las Pinas City at dalawa naman sa Taguig City.

Samantala, umabot sa 52 ang naitalang firecracker-related injuries ng SPD, 15 sa Pasay City, 10 sa Taguig City; siyam sa Paranaque City; pito sa Las Pinas City; tatlo sa Makati City at maging sa Muntinlupa City kung saan may total firecracker ban ay may walong nasugatan dahil sa paputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?