37

Apr 4, 2020 @ 8:30
By

Walang bayad! COVID-19 mass testing sa Valenzuela, malapit na

Kaunting panahon na lang ang hinihintay ng mga residente ng Valenzuela at pwede na silang magsagawa ng COVID-19 mass testing sa kanilang lungsod.

Ito’y matapos na ihayag ni Mayor Rex Gatchalian na sila’y nakipag-partner sa The Medical City para maproseso ang kanilang mga test kit.

Kanila na lamang hinihintay ang Stage 5 accreditation ng The Medical City para makapagsimula na sa mass testing.

“Sa ngayon inaantay na lang ng The Medical City ang kanilang lab accreditation mula sa DOH. Stage 4 na po sila….kapag nakuha na nila ang Stage 5 accreditation nila mula sa DOH. Pde na tayo mag mass testing sa Valenzuela,” ayon kay Gatchalian.

Isa pang good news para sa mga residente ng Valenzuela ay wala silang babayaran dahil libre ang pagpapa-testing sa kanilang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?