457
lagman
By

Walang batas na bawal hulihin ang matatandang kriminal – Lagman

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi isyu ang edad ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa hatol dito ng Sandiganbayan sa pitong kasong graft.

Ayon kay Lagman, walang batas o pasya ng Korte Suprema ang nagsasabi na hindi na maaring arestuhin ang isang indibidwal dahil sa katandaan.

“No law or jurisprudence exempts a felon from arrest or incarceration due to old age,” ani Lagman.

“An offender who is over 70 years old is only entitled to a mitigating circumstance under Article 13 of the Revised Penal Code (RPC) and a death sentence cannot be inflicted on one over 70 years old pursuant to Article 83 of the RPC at the time when the death penalty was the capital punishment,” dagdag ng kongresista.

Kahit aniya ang isang miyembro ng Kamara ay hindi absuwelto sa pag-aresto kahit pa may sesyon ang Kongreso kung ang parusa ay mahigit 6 na taong pagkabilanggo.

Si Ginang Marcos ay hinatulang makulong ng mula anim hanggang labing isang taon sa bawat bilang ng graft case.

Ang pagkakaloob naman anya ng bail habang naka-apela ang kaso para sa isang akusado na convicted ng Regional Trial Court o kahanay na korte tulad ng Sandiganbayan para sa isang kasong ang parusa ay mas mababa sa reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ay discretionary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?